Libre na sa pagbabayad para sa buwan ng Marso-Abril ang mga mamamayan na kumukonsumo ng kuryente na 50 kilowatt per hour pababa o yaong tinatawag na “lifeline consumers". Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles sa briefing ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Ayon kay Nograles, saklaw ng free billing para sa buwan ng March-April ang mga mahihirap na consumers hindi lamang sa Luzon kundi maging sa Visayas at Mindanao. Para sa mga lifeline consumers ng mga electric cooperative dito sa Luzon, Visayas at Mindanao — maliban sa isang buwang grace period sa pagbabayad ng kuryente, libre na po ang inyong konsumo sa loob ng March to April billing period,” ani Nograles. Tinatayang nasa tatlong milyong consumers ang makikinabang sa inisyatiba ng National Electrification Administration (NEA), Philreca at mga electric cooperative na kasali sa Pantawid Liwanag . Sinabi ng kalihim na tiniyak ng Department of Energy sa IATF